Salvage victim natagpuan
MANILA, Philippines - Isang miyembro ng kilabot na “Bahala na Gang” ang natagpuang patay at may mga tama ng bala sa katawan habang nakahandusay sa may watershed ng La Mesa dam sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Isinalarawan ang nasawi sa edad na 20-25, may taas na 5’4’’-5’5’’, nakasuot ng light green na t-shirt at short pants, may suot na hikaw sa kanang tenga, plastic bracelet sa kaliwang braso, at tattoo ng nasabing gang sa likuran. Nakuha rin sa biktima ang isang back pack na may lamang isang manok na panabong. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending