^

Metro

Kriminal nabibigyan ng police at NBI clearance

-

MANILA, Philippines - Dahilan sa maling record system ng bansa kayat mara­ming mga kriminal ang nabibig­yan pa rin ng police at NBI clearance.

Bunsod nito kayat hiniling kahapon ni Public Attorney*s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta sa Korte Su­prema at National Bureau of Investigation (NBI) na ipatupad na ang access to justice system na siyang ginagamit ng mga mauunlad na bansa tulad ng Estados Unidos.

Sa pamamagitan umano nito ay magiging consolidated ang rekord ng mga kriminal at lahat ay idadaan sa NBI para sa update at final record.

Layon umano nitong pala­kasin ang hustisya sa bansa at maiwasan na rin ang pagka­kamali sa mga taong may kapangalan ng isang kriminal.

Naniniwala naman si Acosta na tutugon dito ang Korte Suprema, PNP at NBI sa kabila ng maselan at marami pang mga prosesong pagdadaanan dito. (Gemma Amargo-Garcia)

ACOSTA

BUNSOD

CHIEF PERSIDA RUEDA-ACOSTA

DAHILAN

ESTADOS UNIDOS

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SU

KORTE SUPREMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PUBLIC ATTORNEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with