^

Metro

Anak ng police colonel, todas sa shootout

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang anak ng opisyal ng PNP habang sugatan naman ang kasamahan nitong pulis at sibilyan makaraang manlaban ang mga ito sa rumespondeng tropa ng Quezon City Police matapos na magwala at walang habas na nagpaputok ng   baril sa isang bar kahapon ng madaling araw sa lungsod.

Kinilala ang nasawi na si Jason Valencia, 20, ng Aglipay St., 10th Avenue Caloocan City. Siya ay anak ni Supt. Jose Valencia, hepe ng South Police Station sa lungsod ng Caloocan.

Habang ang sugatan ay kinilalang sina PO2 Eugenio Amaro, 35, ng Caloocan City Police at Eric dela Cruz, 28.

Ayon sa ulat, sina Amaro at dela Cruz ay agad ding nailabas ng pagamutan matapos na magtamo ng minor injuries at ngayon ay dinala na sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detective Unit ng QCPD, dahil itinuring silang mga suspek kasama ang isang Edwin Elijer, 31.

Ang mga suspek ay nahaharap sa patung-patong na kaso na isinampa ng mga biktimang sina Aries Julius Bautista, 25 at Edwight Bautista, 22, ng Quezon City na nagsampa ng kasong pambubugbog.

Kasong malicious mischeif na isinampa naman ng may-ari ng Padis Point and Restaurant na nirepresent ni Warren Villa­nueva, 27, assistant manager; at kasong grave threat na isi­nampa naman ni Reynaldo Catalino, 30,   security guard ng nasabing restaurant.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng PS3 at mga suspek sa may Quirino Highway, Brgy. Baesa sa lungsod ganap na ala -1:40 ng madaling araw.

Bago ito, nag-inuman sa Padis Point, Quirino Highway, Brgy Talipapa sa lungsod ang grupo nina Valencia nang makaalitan nito ang mga kustomer na magpinsang Bautista dahil sa pambabastos na ginawa umano ng pulis na si Amaro sa mga kasamang babae ng mga huli.

Nasa kainitan ng pagtatalo nang biglang lumabas ng bar si Valencia at Amaro at kinuha ang dala nilang baril na kalibre .9mm at kalibre 45 baril saka walang habas na pinaputok ito sa labas ng bar, bago tinutukan si Catalino, na nagsisilbing bantay dito.

Matapos nito ay muling pumasok ng bar si Valencia saka nagpaputok muli ng kanilang mga baril paitaas dahilan upang matakot ang mga kustomer at magkasira-sira ang kisame nito.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang tropa ni Sintin sa lugar sakay ng SB-07, at agad na rumesponde nang marinig ng putukan. Ngunit hindi pa sila nakakalapit sa lugar ay sinalubong na sila ng mga putok ng baril ng mga suspek, dahilan upang gumanti ng putok ang mga una at tinamaan si Valencia.

Dahil dito, nagpasya ng mga suspek na sumakay ng kanilang getaway na Honda Civic (UAR-345) para tumakas patungong Quirino Highway. Nagkaroon pa ng maiksing habulan pero minalas na mag-over heat ang sasakyan ng mga suspect hanggang sa madakip ang mga ito. (Ricky Tulipat)

AGLIPAY ST.

AMARO

ARIES JULIUS BAUTISTA

AVENUE CALOOCAN CITY

BRGY TALIPAPA

CALOOCAN CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with