Parak inagawan ng cellphone, snatcher tigok

MANILA, Philippines - Hindi umano akalain ng tatlong snatcher na pulis ang kanilang tinalo at inagawan ng cell­phone hanggang sa isa sa kanila ang bumulagta kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Mismong ang bikti­mang si PO1 Edmond Trinidad, 28, nakatalaga sa Manila Police District-Station 2, Anti-Crime Unit ang nagdala sa nabaril niyang snatcher sa paga­mutan. Inilarawan ang suspect na nasa 35- 40 anyos, tadtad ng tattoo, armado ng kalibre 38.

Nagawa namang ma­katakas ng dalawa pang kasamahang snatcher.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may panu­lukan ng Road 10 at Mabuhay St., Tondo.

Nagsasagawa ng detective beat patrol ang mga nakasuot sibilyang sina Sr./Insp. Joselito Binayug at Trinidad sa kahabaan ng Road 10 at habang magkahiwalay na nakaposte sa lugar ay sumagot umano si Tri­nidad sa tawag sa cell­phone gamit ang kan­yang Nokia 5310 nang bigla umano itong hablu­tin ng suspect.

Hinabol nito ang snatcher at nagpakilala umano siyang pulis nang lumutang ang dalawa pang kasamahan ng suspek at isa dito ang tumutok ng baril sa pulis subalit hindi umano naiputok.

Agad rumesbak ng putok si Trinidad kaya tinamaan ang isa habang ang dalawa ay nagpu­lasan. (Ludy Bermudo)

Show comments