^

Metro

Asset ng parak itinumba

-

MANILA, Philippines - Isang impormante umano ng District Anti-Illegal Drugs-Task Force (DAID-TF) ng Quezon City Police ang napatay ma­ka­raang ratratin ng tatlong armadong kalalakihan habang ang una ay nagsa­sagawa umano ng test buy operation sa isang lugar sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Wency Casino, at residente ng Living Water Stanford St., Cubao sa lungsod.

Ayon sa report, tatlong mga suspek na pawang mga armado ng kalibre 45 baril at mahabang armas ang pumas­lang sa biktima.

Nakilala ang mga suspek sa alyas na Allan, Orak, at Dapu, pawang mga residente sa nasabing lugar. Nangyari ang insidente sa may Pandoc com­pound, AFP road, Brgy. Pinyahan sa lungsod pasado alas -9 ng gabi.

Bilang asset ng police, nagsasa­gawa umano ng test buy operation ang biktima kasama ang isa pang asset sa lugar nang biglang lapitan ang mga ito ng tatlong mga suspek at paulanan ng bala.

Nabatid pa sa imbestigasyon na sa pamamaril ng mga suspek tanging ang biktima lamang ang pinuntirya ng mga ito. Nagawa namang makatakbo ng kasamahan nito at humingi ng saklolo sa mga barangay tanod.

Sa pagsisiyasat, nabatid na ang ope­rasyon ng dalawa ay hindi nala­laman ng tropa ng DAID-TF at pinala­lagay ng mga ito na sariling lakad ito ng mga una. (Ricky Tulipat)

AYON

BILANG

BRGY

DRUGS-TASK FORCE

LIVING WATER STANFORD ST.

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

WENCY CASINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with