^

Metro

3 anak ng kagawad, 1 pa inireklamo ng pambubugbog

-

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong physical injuries at slander ang tatlong anak ng isang barangay kagawad at nobyo ng isa sa mga ito matapos na pagtulungang bugbugin ang isang vendor kamakalawa sa Quiapo, Maynila.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila City Hall Reporters’ Association ang biktimang si Daisy Luzu­riaga, 24, vendor, upang ireklamo ang magkakapatid na sina Joana, Anjo at An­geline Anatalio at live-in partner nito na si Leonard Ayu­ban na kapwa nanini­rahan sa no. 24 Oscares St. Quiapo.

Batay sa pahayag ni Luzuriaga, dakong alas-2:00 ng hapon ng Nob­yembre 12 habang nagti­tinda siya ng mga gulay at itlog sa panulukan ng Pa­lanca at Villalobos St., bigla siyang sinugod ng mga suspek.

Ayon kay Luzuriaga, sabunot, batok at suntok ang kanyang tinamo mula sa mga kamay ng tatlong mag­kakapatid na napag-ala­mang mga anak ni Kaga­wad Angelita Anatalio at   mula kay Ayuban.

Bukod sa pambubugbog, pinagsabihan pa umano si Luzuriaga ng mga masa­sakit at malalaswang salita ng mga suspek. Hindi niya alam ang dahilan ng pag­sugod ng mga ito. (Doris Franche)

vuukle comment

ANGELITA ANATALIO

DAISY LUZU

DORIS FRANCHE

LEONARD AYU

LUZURIAGA

MANILA CITY HALL REPORTERS

OSCARES ST. QUIAPO

SHY

VILLALOBOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with