^

Metro

Lalaki hulog sa footbridge, lasog

-

MANILA, Philippines - Kusang tumalon o may nagtulak?

Ito ang palaisipang tanong ng mga awtoridad sa isang hindi nakikilalang lalake na natagpu­ang basag ang bungo at wala nang buhay matapos na ma­hulog sa may 10 ta­lampakang taas ng tulay sa Quezon Ave­nue sa lungsod kahapon ng umaga.

Walang nakuhang anu­mang pagkakakilanlan sa nasawi na inilarawang nasa edad na 35-40, may taas na 5’5’’, maputi, panot at naka­suot ng itim na short pants.

Ayon sa pulisya, sa ngayon iniimbestigahan nila ang anggulong may foul play dahil may nagsasabing naki­pagpam­buno umano ang biktima sa isang hindi naki­kilalang lalake bago ito na­hulog.

Pasado alas-7 ng umaga nang matagpuan sa ilalim ng footbridge sa kanto ng Que­ zon Ave. at Edsa Brgy. Central sa lungsod ang bangkay ng biktima.

Sinasabi ng ilang saksi na nakita nilang tumalon ang biktima buhat sa itaas, ngunit may ilan namang nagsasabi na may nakaalitan ito bago ang pangyayari at itinulak siya. Ngayon ay iniimbes­tigahan na ng mga awtoridad. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

EDSA BRGY

KUSANG

NGAYON

PASADO

QUEZON AVE

RICKY TULIPAT

SHY

SINASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with