Kelot minartilyo bago niratrat, todas

MANILA, Philippines - Isang 40 anyos na lalaki ang nasawi nang martilyuhin sa ulo at pagbabarilin ng apat na miyembro ng riding in tandem gang na nakasuot ng bonnet sa lungsod Quezon kamakalawa.

Onsehan sa droga at gang war ang tinitignang motibo ni Chief Insp. Benjamin Elen­zano, hepe ng homicide sec­tion ng Quezon City Police District, sa pagpatay sa bikti­mang si Eric Trespeses, ng Brgy. Commonwealth sa na­sabing lunsod.

Naglalakad si Trespeses sa San Roque St., Brgy. Com­monwealth nang sumul­pot ang isang XRM na motor­siklo sakay ang dalawang kalalaki­hang nakasuot ng bonnet at pinagbabaril ito. Nag­silbing look-out ang da­lawa pang la­laki na lulan ng isa pang motorsiklo.

Ayon kay Elenzano, posib­leng kakilala ng biktima ang mga suspek kaya’t dito nga­yon nakapokus ang isasa­gawa nilang imbestigasyon para sa ikalulutas nito. (Ricky Tulipat)

Show comments