2 'salisi' nasakote

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pamamayagpag ng dalawang kilabot na miyembro ng Salisi Gang matapos na maaresto ng mga awto­ridad ilang minuto makaraang biktimahin ang isang negosyante sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina John Dean Apesia, 19, may-asawa; at Lodivito Tilo, 19, binata; pawang mga residente sa Libis Bagong Silang Caloocan City.

Ayon kay SPO2 Edwin Ditan, desk officer ng Police Station 10, nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek nang tirahin ng mga ito ang LG cellphone ni Mark Lacsamana sa may loob ng Pipeys Grill sa #265 J. Morato St., Barangay Laging Handa sa lungsod. (Ricky Tulipat)

Show comments