^

Metro

Pacman-Cotto fight libreng mapapanood

-

MANILA, Philippines - Inaasahang muling yayanig ang mga sports complex sa Maynila matapos na apru­bahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang libreng pag­papalabas ng laban ng pound-for-pound   boxer na si Manny Pacquiao sa Puerto Rican na si Miguel Cotto sa Linggo.

Ayon kay Lim, inatasan niya sina chief of staff Ric de Guzman at city administrator Jesus Mari Marzan na gumawa ng koordi­nasyon upang maipamahagi nang maayos ang mga tiket sa mga residente ng anim na distrito ng lungsod.

Pinayuhan din ni Lim ang mga residente na pumunta nang maaga sa mga sport complex at covered court upang maiwasan ang anumang pagsisiksikan at gulo sa pag­pasok ng mga ito. Aabot sa 20,000 ang ina­asahang manonood sa mga sports complex at covered court.

Layunin ni Lim na mabigyan ng pagka­ka­taon ang mga mahihirap na Manilenyo na mapa­nood nang live ang laban ni Pacquiao sa Las Vegas.

Ipalalabas ang Pacquiao-Cotto fight sa Tondo Sports Complex (District 1), Patricia Sports Complex (District 2), Rasac covered court (District 3), Dapitan Sports Complex (District 4), San Andres Sports Complex (District 5) at sa Teresa covered court (District 6). (Doris M. Franche)

COMPLEX

DAPITAN SPORTS COMPLEX

DORIS M

JESUS MARI MARZAN

LAS VEGAS

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with