^

Metro

Pekeng STD clinic nagkalat

-

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Que­zon City Vice Mayor Herbert Bautista ang City Health Office nito na hilingin din sa Department of Health ang malawakang pagbusisi sa mga nagkalat na pekeng kli­nika na nambibiktima ng mga pasyenteng may sakit sa tulo, gonorrhea, venereal desease o ‘yong tinatawag na sexually transmitted disease.

Ang hakbang ay ginawa ni Bautista nang makatanggap ng reklamo na may mga ku­ma­kalat na pekeng STD clinic sa Quezon City.

Sinabi ng vice mayor na agad niyang ipasasara at ipa­kukulong ang mga may-ari ng pekeng klinika oras na mapa­tunayang positibo sa pambi­biktima ng mga pasyenteng may sakit na STD.

“Ang daming fees na hini­hingi kapag napunta ka sa mga pekeng clinic na ito. Sa laboratory fee pa lang, ubos ka na. Sa gamot na ipinagbi­bili nila, sobrang mahal. At kung ilang beses ka ring pababalikin para sa kung ano-anong bayarin,” pahayag ni Bautista.

Bukod dito, wala ring ka­tiyakan kung gagaling ang pasyente dahil hindi rin nakasiguro kung tunay na doktor ang tumitingin. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BAUTISTA

BUKOD

CITY HEALTH OFFICE

CITY VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

CRUZ

DEPARTMENT OF HEALTH

INATASAN

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with