Taxi driver na snatcher tugis

MANILA, Philippines - Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang isang nakaw na taxi na ginagamit ngayon ng sin­dikato para sa iligal na gawain tulad ng pangha­ hablot ng mga bag ng mga com­muters matapos muli itong uma­take kahapon ng umaga sa isang empleyada sa Que­zon City.

Nagbabala rin si Supt. Jesus Balingasa, hepe ng Que­­zon City Police District-Station 10, sa mamamayan na mag-ingat sa paglalakad sa kalsada dahil aktibo ang na­tu­rang suspek na sakay ng isang El Pueblo taxi, may plakang TYR-473 para mang-agaw ng bag.

Ito ay makaraang mabik­tima ang isang Kristine Lopez, 23, dalaga, ng Grem Ville Subd., Tandang Sora sa lung­sod na naagawan ng sus­pek ng bag na nagla­laman ng kan­yang pera, tatlong cell­phone at mga identification cards.

Kamakalawa naman ay nagreklamo ang isang Edgar Nunez, 44, taxi driver ng Block 12, GMA Cavite ma­ka­ra­ang nakawin ng hindi pa nakiki­lalang mga karnaper ang kan­yang sa­sakyang EL Pueblo taxi (TYR-473) ha­bang naka­parada sa may kahabaan ng EDSA, Brgy. South Triangle sa lungsod.

Show comments