^

Metro

Midwife na-sandwich sa 2 truck, patay

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang midwife matapos maipit sa dalawang truck habang ang una ay tumatawid sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Presi­dent Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng matinding pinsala sa ulo ang biktimang si Richel Nepomuceno, 35, ng Acero St., Brgy. Tugatog, Malabon City. Sumuko naman ang sus­pek na si Edilberto Yambao, Jr., 41, ng Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng Ca­lo­ocan City Traffic Enforce­ment Unit, naganap ang insi­dente dakong alas-5:55 ng umaga sa kahabaan ng Ge­neral San Miguel St., Calo­ocan City, habang tumatawid ang biktima nang mahagip ng minamanehong trailer truck (RGN-412) ni Yambao.

Minalas pa ang biktima na naipit sa kasalubong na trailer truck ni Yambao na naging da­hilan upang madikdik ang ulo nito. (Lordeth Bonilla)

ACERO ST.

CALOOCAN CITY

CITY TRAFFIC ENFORCE

DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

EDILBERTO YAMBAO

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

NUEVA ECIJA

RICHEL NEPOMUCENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with