500 kilo ng hot meat nasamsam sa Quezon City
MANILA, Philippines - Kahit paulit-ulit ang ginagawang pagsalakay ng awtoridad sa mga negosyanteng nagbebenta ng double dead na karne, hindi pa rin natitinag ang mga ito. Kahapon ay muling nakasamsam ang mga awtoridad ng may 500 kilo ng hot meat nito sa Balintawak Market sa Quezon City.
Ayon sa ulat nagsagawa ng sorpresang inspection ang pulisya sa nabanggit na palengke pasado alas-10 ng gabi, subalit bago pa man makalapit ang mga awtoridad ay nagpulasan na ang mga vendors at iniwan ang mga saku-sakong double dead na karne.
Ayon sa pulisya, nabubulok na ang mga naturang karne at hindi na maaari pang ibenta dahil sa mabahong amoy nito.
Sa ngayon, ang nasabing karne ay nakalagak sa nasabing himpilan habang hinihintay pa ang pamunuan ng national meat inspection service na siyang may disposisyon dito. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending