^

Metro

Biyuda nilooban, kinatay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 59- an­yos na biyuda na natag­pu­ang patay sa loob ng cabinet ng kanilang la­babo makaraang itago ito dito ng hinihinalang mag­nanakaw matapos pata­yin sa saksak sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Ben­jamin Elenzano, hepe ng homicide section ng Quezon City Police, kinilala ang biktima na si Dolores Maderal, ng 28-D, Insurance St., GSIS Vil­lage, Project 8 sa lungsod.

Si Maderal ay nag­tamo ng siyam na sak­sak sa batok na siya nitong ikinamatay.

Base sa imbestigas­yon, pasado alas-12 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang taha­nan ng mismong mga anak nitong sina Randy at Francis Maderal ka­sama ang mga awto­ridad. Sinasabing huling nakitang buhay ang bik­tima ganap na alas-8 kamakalawa ng umaga habang nagdidilig ng halaman sa kanilang bakuran.

Bago ang insidente, alas-10 ng umaga nang magising si Randy at hinanap ang kanyang nanay. Sa paghahanap ay may nakitang bakas ng dugo si Randy buhat sa kubeta ngunit hindi niya ito pinansin.

Makalipas ang ilang minuto at hindi makita ang ina, nagpasya si Randy na puntahan ang kanyang kapatid na si Francis para imporma­han na nawawala ang kanilang nanay. Humingi na rin ng responde ang magkapatid sa pulisya.

Sinasabing pagsapit sa bahay ng biktima ay may nakita ngang bakas ng dugo mula sa CR at nang simulang suyurin ang buong kabahayan ay saka natagpuan ang bang­kay ng ginang ha­bang nakabaluktot sa kabinet ng lababo at duguan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nawawala ang isang loptop at tatlong cellphone sa bahay na indikasyon ng pagna­nakaw.

Posible umanong bago nangyari ang insi­dente ay may bisita ang biktima at ito ngayon ay tinututukan ng imbesti­gasyon ng pulisya.

AYON

CHIEF INSP

DOLORES MADERAL

ELENZANO

FRANCIS MADERAL

INSURANCE ST.

QUEZON CITY POLICE

SHY

SI MADERAL

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with