Lolo todas sa SUV

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 65-anyos na lolo nang mabundol ng isang rumaragasang “sports utility vehicle” habang tumatawid   sa kahabaan ng Coastal Road sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Francisco Umayan, ng Villacoastal, Brgy. Daniel Fajardo, Las Piñas City sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa ulo at ibang bahagi ng katawan. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng Toyota Avanza (NFO-788) na si Christopher Sisma, residente ng Palanca Compound, Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat, mabilis na tumatahak sa Coastal Rd. galing Cavite patungong Maynila ang SUV na minamaneho ni Sisma dakong alas-7:30 ng gabi nang mahagip niya ang biktima na pa­tawid sa naturang highway. Sinabi sa pulisya ni Sisma na hindi niya napansin ang biktima nang tumawid ito dahil sa madilim ang naturang bahagi ng kalsada at hindi ito tawiran ng tao. ( Danilo Garcia)

Show comments