Mag-utol nag-duelo: 1 patay

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 44-anyos na lalaki ng kanyang nakaba­batang kapatid dahil sa umano’y matagal ng alitan sa Intramuros, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si John Nunez, ng 634 Magallanes St., Intramuors, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan. Tumakas naman ang suspek na si Hubert Nuñez, 29, negos­yante ng #748 Solana St., Intramuros.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon ng maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima. Una umanong nagtungo ang suspek sa bahay ng kuya at nagkaroon ng komprontasyon na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa puntong iyon nagbunot ng baril ang biktima subalit inunahan siyang putukan ng nakababatang utol na armado rin ng baril. Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Nabatid na may matagal ng alitan ang magkapatid subalit nakiusap ang kanilang ama na huwag nang alamin ang pribadong isyu tungkol dito. (Ludy Bermudo)

Show comments