^

Metro

Dahil sa baha, Kaso sa korte mabibitin

-

MANILA, Philippines - Mismong mga “clerk of court” ang nagbunyag na higit isang taong mabibinbin ang mga dinidinig na kaso sa Malabon Regional Trial Court makaraang bahain sa nakaraang bagyong Ondoy ang mga sala nito na ikinasira ng mga computer at nangabasa at nasira ang maraming mga importanteng dokumento sa loob ng gusali nito.

Dahil dito, nanawagan ang daan-daang nakaditineng preso na nakabinbin ang mga kaso at iba pang naka­piyansa sa Department of Justice na agad na aksyunan ang naturang problema dahil sa kawalang aksyon umano ng pamahalaang lokal ng Malabon City.

Ayon kay Gng. Zen Samson, kabilang sa mga kasong mabubulok ng higit sa isang taon ang kaso ng kanyang anak na lalaki na “frustrated homicide” na 12 taon nang dinidinig at nakatakda na sanang ipawalang-sala ng korte ngayong Nobyembre.

“Dahil sa pagkakalubog sa baha ng Malabon Regional Trial Court, isang taon na naman kaming maghihintay kahit na napatunayan na walang kasalanan ang aking anak. Nais na sanang magbagong buhay sa ibang bansa pero dahil sa nakabinbing kaso, hindi matutuloy ang pag-alis ng anak ko,” ayon kay Samson.

Sinabi ni Samson na nabatid niya sa mga “clerk” sa korte na naka-freeze ang lahat ng kaso dahil sa pagkasira ng kanilang mga computer habang marami ang mga doku­mentong nasira at ang iba ay pilit nilang pinatutuyo sa pagbilad sa araw. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GNG

MALABON CITY

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

MISMONG

ZEN SAMSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with