Mister nag-amok, timbog

MANILA, Philippines - Lango pa sa alak ang isang mister nang arestuhin ng mga tauhan ng pulisya matapos itong mag-amok sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Ramon Aquino, 54, ng Gen. Luna St., ng lungsod. Lumalabas sa report ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas-10 ng gabi habang lasing na lasing at nag­wa­wala ang suspect sa kanilang lugar hawak pa ang isang patalim.

Lahat umano nang makita nito ay hinahabol ng saksak na naging dahilan upang itawag sa mga pulis. Nang respondehan ay hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ito ng mga pulis at dalhin sa presinto. (Lordeth Bonilla)

Show comments