^

Metro

Pinahiwalay sa ka-live-in, dalaga nagbigti

-

MANILA, Philippines - Tuluyan nang winakasan ng isang dalaga ang kanyang paki­kipagrelasyon sa kanyang “may sabit” na ka-live-in matapos itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Rosalie Erica, 28, kasalukuyang nani­nirahan sa Sarmiento St.Brgy.Sta Monica Q.C.

Ayon kay P/Chief Insp.Benjamin Elenzano Jr.,hepe ng Homi­cide Division ng QC police, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-2 ng madaling-araw sa kanilang tirahan.

Sinasabing pumunta ang kasambahay ng biktima na si Marivic Gamboa sa comfort room ng nasabing bahay nang makita nitong nakabitin na si Erica sa loob gamit ang isang dilaw na nylon cord na nakapulupot sa kanyang leeg.

Bago nito bandang alas-3 ng hapon kamakalawa,ipinatawag ang biktima sa barangay hall para sa isang pag-uusap patungkol sa kanyang pakikipagrelasyon kay Daniel Bondoc na kanyang kinakasama.

Sa nasabing pag-uusap dumating si Lovely Bondoc na anak ni Daniel at doon sinabi ng bata sa dalaga na hiwalayan na niya ang kanyang ama.

“Kasi, ’yung si Daniel may-asawa na at doon nga sa barangay sinabi ni Lovely na hiwalayan na ng biktima ang kanyang ama at susuportahan na lang daw ang anak nilang one month old,” pahayag pa ni Elenzano.

Nagkasundo rin si Daniel at Rosalie na tuluyan na ring tapusin ang kanilang relasyon kung kaya hindi na umuwi sa kanilang bahay ang lalaki.

Hanggang sa kahapon ng madaling-araw ay makita na lamang ang nagbigting si Rosalie.

Gayunman ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya para malaman kung may naganap na foul play sa insidente. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

BENJAMIN ELENZANO JR.

CHIEF INSP

DANIEL BONDOC

KANYANG

LOVELY BONDOC

MARIVIC GAMBOA

QUEZON CITY

ROSALIE

ROSALIE ERICA

SARMIENTO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with