Nene lasog sa truck

MANILA, Philippines - Patay ang isang 13-anyos na batang babae nang ma­hagip at magulungan ng trailer truck habang ito ay tuma­­tawid sa Caloocan City ka­hapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Pre­sident Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng matinding pinsala sa katawan si Lady May Ba­lan­day, 13, ng Gen. San Miguel St., ng lungsod na ito. Su­mu­ko naman si Mauro Pa­caldo, 67, ng Masinop St., Tondo, Manila at driver ng Tractor Head (WNT-469). Sa pagsisi­yasat ng pu­lisya, naga­nap ang insidente dakong alas-8:40 ng umaga sa na­bang­git na lugar ha­bang tu­ma­tawid ang biktima nang ma­hagip ni Pacaldo. (Lordeth Bonilla)

Show comments