MANILA, Philippines - Hinihinalang dahil sa lango sa pagsinghot ng rugby o solvent ang isang 20-anyos na lalaki kaya ito nalunod nang maligo ng hubo’t-hubad sa lagoon ng golf course ng Intramuros, Maynila, kahapon ng umaga.
Ayon sa report, nakikita lamang umano madalas ang di kilalang biktima sa paligid ng Intramuros na sumisinghot ng rugby at namumulot ng golf balls, na inilarawan lamang sa edad na 20-anyos, may taas na 5’3 talampakan.
Sa ulat ni Det. Danilo Vidad ng Manila Police District -Homicide Section, dakong alas-5:15 ng umaga nang madiskubre ng mga trabahador ng golf course ang nalunod na bangkay. (Ludy Bermudo)