^

Metro

Doktor na nagretoke kay Alvin Flores tukoy na

-

MANILA, Philippines - Natunton na ng mga ta­uhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang klinika ng doktor na umano’y nag­retoke ng mukha ni Alvin Flores, ang lider ng Alvin Flores gang na napatay sa engkwentro kamakailan.

Kinilala ng NBI ang doktor sa pangalang Dominador Petracio na ang klinika ay matatagpuan sa Antipolo City. 

Nasa abroad umano nga­yon si Dr. Petracio kaya takda itong ipatawag ng NBI para imbestigahan kung bakit pinayagan nitong magpare­toke si Flores na isang wanted sa batas.  

Dahil sa pakikipagtulu­ngan at pagbibigay ng detalye ng isang arestadong miyem­bro ng grupo na si Rene Ba­tiencela, pinag-aaralan na nila itong gawing state witness sa halip na akusado sa serye ng holdapan upang maituro pa ang mga kasamahan at iba pang sub-groups na umal­yado sa Alvin Flores kung sila ay may malalaking operasyon ng robbery.

Si Batiencela ay nasampa­han na sa Makati Prosecutors’ Office ng kasong robbery with homicide sa Makati Prose­cutor’s Office kaugnay sa madugong holdapan sa Rolex store sa Greenbelt 5, Makati.

Inamin naman ni Batien­cela sa NBI na hindi niya gaanong kabisado ang galaw ng grupo dahil hindi umano madaling kausapin o lumapit kay Alvin at sinumang nais   makipag-usap sa lider ay humihingi pa ng permiso sa napatay ding ‘side kick’ nitong si Richie Hijapon, alyas “Dodong”. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALVIN FLORES

ANTIPOLO CITY

DOMINADOR PETRACIO

DR. PETRACIO

LUDY BERMUDO

MAKATI PROSE

MAKATI PROSECUTORS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RENE BA

RICHIE HIJAPON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with