MANILA, Philippines - Kritikal ang isang totoy matapos pagtripan saksakin ng hindi pa nakikilalang lalaki na bagong lipat sa kanilang lugar sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Jayson Villanueva, 14 ng Area 2, North Bay Boulevard South ng lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi, ng maganap ang insidente habang nakatayo sa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang dumaan ang suspek at saka agad na sinaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.
Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng suspek na sinasabing bagong salta lang sa lugar. (Lordeth Bonilla)