^

Metro

Sex bomb dancers ninakawan ng mag-amang caretaker

-

MANILA, Philippines - Umabot sa P.4 milyong halaga ng pera at alahas ang natangay sa dalawang miyembro ng sikat na “Sex Bomb Dancers” matapos pagnakawan ito ng mag-amang caretaker sa lungsod Quezon.

Ito ang nabatid matapos na magreklamo sa Brgy. Pin­yahan sina sex bomb dancers Aifa Medina at Aira Ber­mudez, naninirahan sa #94-A Matatag St., sa naturang barangay.

Ayon dalawa, nalaman na lamang nilang nawawala ang kanilang gamit at pera nang bumalik sila buhat sa pagba­bakasyon sa probinsya noong Undas.

Nawawala sa mga biktima ang laptop, 2 ipod, mga alahas, cash at laman ng vault   na may kabuuang halagang P400,000.

Hinala ng mga awtoridad na itinaon ng mga suspek ang pagnanakaw habang nagbabakasyon ang mga biktima.

Nabatid na bago magbakasyon ang mga biktima ay ipinagkatiwala ng mga ito sa mag-amang sina Erocth at Reynaldo Narvaza ang kanilang tahanan.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng follow-up ang mga barangay at nahuli ang mag-ama na agad na inimbes­tigahan sa nasabing akusasyon. (Ricky Tulipat)

A MATATAG ST.

AIFA MEDINA

AIRA

AYON

BRGY

DAHIL

REYNALDO NARVAZA

RICKY TULIPAT

SEX BOMB DANCERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with