Binato ang hipag, 28-anyos tinodas ni kuya

MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na mister ang pinatay sa saksak ng kanyang mis­mong kuya makaraang batuhin ng una ang asa­wa ng huli na nakatalo nito kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Ariel Ebron, 28, ng Barrio Sta. Rita South, Tala ng nabanggit na lungsod.

Agad namang tuma­kas matapos ang isina­gawang krimen ang suspect na utol na si Arnel Ebron, 38.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas -7:00 ng umaga sa labas ng kanilang bahay sa Barrio Santa Rita South.

Nabatid na una rito, nagtalo ang biktima at ang misis ng kanyang kuya.

Sa puntong yon ay binato ni Ariel ang kan­yang hipag, na ikinagalit ng kuya nito, kung ka­ya’t kumuha ng patalim ang suspek at pinag­sasaksak hanggang sa mapatay ang kapatid. (Lordeth Bonilla)

Show comments