^

Metro

Lola, 3 pa arestado, drug den sa Pasay sinalakay

-

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang isang 70-anyos na lola ang inaresto ng pi­nagsanib na puwersa ng Pasay City Police at Phi­lippine Drug En­force­ment Agency (PDEA) sa sinalakay na kalsada na kilala uma­nong benta­han ng iligal na droga, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Kinilala ni Pasay police chief, Sr. Supt. Raul Petrasanta ang nadakip na lola na si Araceli Razon, may-ari ng tindahan ng bigas sa Interior Apelo Cruz Street sa Brgy. Malibay, ng naturang lungsod.

Naaresto rin naman ang anak nitong sina Venus Punzalan, Felix Razon at kinakasama nitong si Arlene Pun­zalan. Pinaghahanap na­man ang nakatakas na suspek na si Jaime Punzalan.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang bulto ng hinihinalang shabu na nagkaka­halaga ng P300,000 sa loob ng isang pitaka at itinago sa gilid ng iti­ni­tindang bigas. 

Ayon kay Petra­santa, nakipag-ugna­yan sa kanila ang PDEA sa pagsasagawa ng anti-drug operations kung saan magkatulong na sinalakay ang natu­rang lugar sa bisa ng search warrants na inisyu ni Judge Eduardo Peralta ng Manila Regional Trial Court Branch 17.

Sinabi nito na ma­tagal na rin nilang mina­manmanan ang natu­rang lugar ngunit nahihi­rapan silang magsa­gawa ng operasyon dahil sa pagkukunsinti umano ng ilang tiwaling opisyal ng barangay sa mga pusher sa natu­rang lugar.

Dahil dito’y kinaila­ngan nila ang tulong ng PDEA at ng korte upang maisagawa ang sor­presang pagsalakay na nagbunga ng pagkaka­dakip sa pamilya Pun­zalan at pagkakakum­piska sa illegal na droga at iba pang paraphernalia sa paggamit nito. (Danilo Garcia at Ricky Tulipat)

ARACELI RAZON

ARLENE PUN

DANILO GARCIA

DRUG EN

FELIX RAZON

INTERIOR APELO CRUZ STREET

JAIME PUNZALAN

JUDGE EDUARDO PERALTA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with