'Sundo ni kamatayan', binata patay

MANILA, Philippines - Mistulang sundo ni kamatayan ang ginawa sa isang binata ng kan­yang kaibigan sa Ma­labon City kamakal­awa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Lung­­­sod ng Malabon sanhi ng dalawang sak­sak sa ka­tawan si Richard Tibus, 19, ng Kadima, Letre, Tonsuya ng lungsod.

Pinaghahanap na­man ng pulisya ang tu­makas na suspek na na­kilala lamang sa alyas na Butchok at kalugar ng biktima.

Base sa ulat, alas-9 ng gabi nang sunduin ng suspek ang biktima sa bahay nito upang singilin nila ang bayad sa nilinis nilang bahay sa nasabing lugar.

Hindi pa nakakalayo ay narinig ang pagtatalo ng magkaibigan sa hindi pa batid na dahilan hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at saka pinagsasaksak ang biktima.

Wala pang linaw kung ano ang tunay na motibo sa isinagawang krimen. (Lordeth Bonilla)

Show comments