'Sundo ni kamatayan', binata patay
MANILA, Philippines - Mistulang sundo ni kamatayan ang ginawa sa isang binata ng kanyang kaibigan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng dalawang saksak sa katawan si Richard Tibus, 19, ng Kadima, Letre, Tonsuya ng lungsod.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na suspek na nakilala lamang sa alyas na Butchok at kalugar ng biktima.
Base sa ulat, alas-9 ng gabi nang sunduin ng suspek ang biktima sa bahay nito upang singilin nila ang bayad sa nilinis nilang bahay sa nasabing lugar.
Hindi pa nakakalayo ay narinig ang pagtatalo ng magkaibigan sa hindi pa batid na dahilan hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at saka pinagsasaksak ang biktima.
Wala pang linaw kung ano ang tunay na motibo sa isinagawang krimen. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending