^

Metro

Lugi sa negosyo, nagbaril sa ulo, trader nag-suicide

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pagkalugi sa ne­gosyo ang isa sa mga anggulong tinitingnan ngayon ng pulisya kung bakit nagpatiwakal ang isang 46-anyos na ne­gosyante na nagbaril sa ulo kahapon ng uma­ga sa lungsod ng Caloo­can.

Nasawi noon din ang biktimang si Esteban Espiritu III, 46, nakatira sa Mac Arthur Highway ng lungsod na ito.

Lumalabas sa inisyal na report ng Caloocan City Police, alas-6:30 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito sa nabanggit na lugar.

Hawak pa ng biktima sa kanang kamay nito ang isang kalibre .45 baril na pinaniniwalaang ginamit sa pagpapaka­matay.

Napag-alaman, na problema sa negosyo ang sinasabing dahilan upang magpakamatay ang biktima.

Isa sa mga negosyo ng biktima na nabanggit ay ang mga paupahang apartment, gayunman hindi na idenitalye ng mga kaanak ng biktima sa Caloocan City Police kung ano pa ang iba nitong negosyo.

Isa sa mga ang­gulong iniimbestigahan ng pulisya ay ang pagkabangkrap nito, sa kabila nito ay inaalam pa rin ng mga im­bes­tigador kung may na­ganap na foul play sa naturang insidente.

vuukle comment

CALOO

CALOOCAN CITY POLICE

ESTEBAN ESPIRITU

HAWAK

ISA

LUMALABAS

MAC ARTHUR HIGHWAY

NAPAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with