^

Metro

Mister itinumba; itinapon sa sapa

-

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak na at nang mamatay ay itinapon pa sa sapa ng isang magkapatid ang isang mister matapos na idamay ito ng mga huli sa kanilang galit sa isang ka­inuman na hindi nagpahiram sa kanila ng bisekleta para umiskor ng shabu habang nag-iinuman sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

 Ito ang nangyari kay Ernesto Salamilao, 30, may-asawa, maintenance sa Con­cord Scientific Chemical Cor­po­ration at residente sa #13 Dr. Lascano St., Barangay Tugatog, Malabon City.

Bukod kay Salamilao, sugatan sa insidente si Albert Gerelingo, 21, binata, resi­dente ng Barangay Balingasa sa lungsod matapos na mag­tamo ng sugat sa ulo, balikat at braso bunga ng pamamalo sa kanya ng pala.

Nadakip naman ng La Loma Police ang isa sa mga suspek na si Allan Enocillas, 37, may-asawa, construction worker at residente rin sa na­sabing barangay. Pinagha­hanap pa ang kapatid niyang si Alberto na mabilis na naka­takas.

Ayon kay Gerelingo, nag-iinuman sila ni Salamilao, Allan at isang Glen Pomasin nang hiramin umano ng suspek ang bisekleta ng huli para gamitin pang-iskor ng shabu.

Nang tumanggi si Po­masin, nagalit si Allan sanhi upang mauwi ito sa mainitang pagtatalo. Nasa kainitan ng pagtatalo nang dumating ang utol ni Allan at agad na hinab­lot nito si Gerelingo at pinalo ng pala sa ulo at sinaksak sa braso.

Nang makita ito ni Sala­milao, naalarma ito at tinang­kang tumakbo ngunit hinabol ito ng magkapatid at nang maabutan ay pinagsasaksak ito ni Alberto saka pinagtu­lungang ihulog sa sapa bago nagsipagtakas. (Ricky Tulipat)

ALBERT GERELINGO

ALBERTO

ALLAN ENOCILLAS

BARANGAY BALINGASA

BARANGAY TUGATOG

DR. LASCANO ST.

ERNESTO SALAMILAO

GERELINGO

GLEN POMASIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with