^

Metro

Sa niratrat na van ng balikbayan: Pulis-Parañaque nasaan?

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag nga­ yon ni National Capital Re­gion Police Office Director Supt. Ro­berto Rosales ang pa­­mu­nuan ng Southern Police District at Parañaque Police sa umano’y palpak na “police visibility” matapos na malu­sutan ng mga holdaper na “riding in tandem” na namaril sa balikbayang Filipino-Chinese sa Roxas Blvd., Manila kamakalawa.

Sinabi ni Rosales kina SPD Director C/Supt. Jaime Calungsod at Parañaque Police Chief Sr. Supt. Alfredo Valdez na nais niyang mala­man kung bakit nagawang makalusot at hindi nasagupa ng kanilang mga tauhan ang apat na armadong suspek sakay ng motorsiklo na nang­­­harang at namaril sa van na sinasakyan ng balik­bayan na sina Ruben at Jocelyn Chua at kasamahan na si Carmelita Cho.

Nais ni Rosales na rebi­sahin ang “deployment” ng mga pulis sa naturang dis­trito at sa Parañaque habang ina­tasan rin na makipagko­ordinasyon sa isinasaga­wang manhunt operation ng Manila Police District na siyang sumaklolo sa mga biktima.

Sa imbestigasyon, sinun­do sina Chua at Cho ng kanilang mga kaanak sakay ng isang Nissan Vanette (UFK-596) buhat sa Ninoy Aquino Internatinal Airport at binabagtas ang Roxas Blvd. sa Parañaque City nang pa­putukan ng dalawang sus­pek na angkas sa dalawang motorsiklo at nagawang ta­ngayin ang kanilang dalang pera, alahas at iba pang maha­halagang gamit.

Bagama’t nagtamo ng tama ng bala, nagawa pa ring paandarin ni Ruben ang van kung saan nawalan ito ng kontrol pagsapit sa tapat ng Diamond Hotel sa May­nila at mabangga sa isang puno. Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Arquiza police station ng MPD kung saan isinugod ang mga biktima sa paga­mutan. Masuwerteng hindi naman tinamaan ng bala ang 13-anyos na si Denzel Chua.

Dahil dito, mahigpit na ina­tasan ni Rosales si Ca­lungsod at Valdez na bumuo ng “crack teams” upang mag­sagawa ng puspusang manhunt operation upang madakip ang mga suspek. Ma­higpit rin nitong pinaalala ang pagbabantay sa mga shopping malls, transport terminals, mga kalsada at iba pang matataong lugar.

Inutusan rin nito ang mga police commanders na pa­igtingin ang inspeksyon sa mga “riding in tandem” sa motorsiklo at ang pagpapa­tupad ng “no plate, no travel policy”.

vuukle comment

ALFREDO VALDEZ

CARMELITA CHO

DENZEL CHUA

DIAMOND HOTEL

DIRECTOR C

JAIME CALUNGSOD

POLICE

ROXAS BLVD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with