MANILA, Philippines - Namatay ang 50-anyos na obrerong si Ernie dela Cruz ng Gloria St., Novaliches, Quezon City nang mabangga siya ng isang bus habang tumatawid siya sa Commonwealth Avenue sa tapat ng gusali ng Sandiganbayan sa naturang lunsod kahapon ng madaling-araw.
Sinasabing tuluy-tuloy sa paglayo ang bus makaraang mabundol ang biktima. (Ricky Tulipat)