^

Metro

'Undas payapa' - NCRPO

-

MANILA, Philippines - Naging mapayapa ang selebrasyon ng “All Saints Day” sa iba’t ibang semen­teryo sa buong Metro Manila mata­ pos ang pagpapatupad ng iba’t ibang “security measures” ng pulisya, ayon kay National Capital Region Police Office Director Roberto Rosales.

Ito’y makaraan ang pagta­talaga ng nasa 13,000 tauhan ng pulisya sa iba’t ibang mala­laking sementeryo sa Kamay­nilaan at tulong ng mga “force multiplier” buhat sa lokal na pa­­mahalaan at mga barangay.

“Tahimik at maayos ang All Saints’ Day. Dumarating ang ating volunteer groups at force multipliers natin. Inaasahan natin hanggang matapos itong All Saints and All Souls’ Days magiging maayos ang lahat,” ayon kay Rosales. Sinabi nito na isang kaso lamang ng robbery holdup ang naitala sa Manila North Cemetery ngunit naaresto naman ang suspek.

Sa pagtataya ng NCRPO, sinabi ni Supt. Rommel Mi­randa na may 500,000 katao na ang dumagsa sa mga se­menteryo kahapon at inaasa­han na aabot ito sa higit isang milyon dahil sa paglayo sa bansa ng bagyo.

Sa kabila naman ng paulit-ulit na panawagan at babala, may 29 pa rin na matutulis na bagay at patalim ang nakum­piska ng pulisya sa iba’t ibang sementeryo. Inilalagay pa ng mga pasaway na lalaki ang mga patalim at baraha sa kaila-ilaliman ng kanilang mga bag ngunit nabibisto pa rin habang inilalagay sa thermos ang alak na nabibisto naman. Nakakumpiska rin ng tear gas ang pulisya kung saan ina­resto ang mga nagdala nito. (Danilo Garcia)

ALL SAINTS

ALL SAINTS AND ALL SOULS

ALL SAINTS DAY

DANILO GARCIA

MANILA NORTH CEMETERY

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE DIRECTOR ROBERTO ROSALES

ROMMEL MI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with