^

Metro

Binahang lugar sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City gagawing isang garden

-

MANILA, Philippines - Isa na namang hardin ang itatayo sa Quezon City, nga­yon ay doon naman sa flood-prone area na tinatawag na Ever­ green sa Brgy. Bagong Silangan.

Inatasan ni Mayor Feli­ciano Belmonte Jr. si Dept. of Public Order and Safety (DPOS) head Manuel Sa­balza na gawing halamanan ang binabahang lugar sa Bagong Silangan.

Ayon kay Belmonte, wala na dapat malagay sa panga­nib na gaya noong marami ang naging biktima sa Bagong Silangan na nasalanta ng bagyong Ondoy. “Let’s trans­form the area into a garden. Wala dapat na bahay na itatayo o makikita rito.Dapat puno at halaman ang makikita rito,” ani Belmonte sa isina­gawang regular executive staff meeting sa Bulwagang Amoranto.

Ang Bagong Silangan na dinadaanan ng creek pa­puntang Marikina River ay isa sa mga barangay sa Quezon City na malubhang napinsala ng bagyong Ondoy, na kumitil ng maraming buhay at sumira sa milyong pisong ari-arian. Umaabot sa 1,000 resi­dente ng lugar ang inilikas noong kasagsagan ng flash flood na sanhi ng bagyong Ondoy.

Ayon kay Sabalza, ang flood-prone area ng Bagong Silangan ay maaaring ma­ging bagong Payatas na ngayon ay isa na sa tourist destination sa lungsod matapos ang trahedya ng pagguho ng tambak na ba­sura may ilang taon na ang nakalilipas.

Bukod dito, hiniling din ni Mayor Belmonte kay City Engineering Chief Joselito Cabungcal na madaliin ang pagkukumpuni sa mga na­sirang imprastraktura dahil sa bagyo, tulad ng school build­ing, health centers at kal­sada.

Naglaan ang pama­hala­­ang lungsod ng P500 milyon para sa relief ope­rations sa humigit-kumu­lang na 50,000 biktima ng flash floods at sa rehabili­tas­­yon ng mga nasira ng bagyo.

ANG BAGONG SILANGAN

AYON

BAGONG SILANGAN

BELMONTE

BELMONTE JR.

BULWAGANG AMORANTO

CITY ENGINEERING CHIEF JOSELITO CABUNGCAL

ONDOY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with