Charity burial sa mahihirap isinulong sa Quezon City

MANILA, Philippines - Isinulong ni Quezon City Council Majority Floor Leader Ariel Inton Jr. ang isang panukalang ordinansa na hihiling sa mga may-ari ng mga pribadong sementeryo na maglaan ng isang lugar para sa libreng pagpapalibing sa mga mahihirap na residente ng lung­sod. Kasabay ng pakikiisa sa paggunita sa Araw ng Undas, isinu­long ni Inton ang panukala na humihikayat sa lokal na pag­tuunan ng pansin ang kakapusan ng mga espasyo sa mga pam­publikong libingan sa lungsod para sa mga yumaong residente.

Isa sa pinakamalaking libingan sa lungsod ang Bagbag Public Cemetery na pag-aari at minamantina ng lokal na pamahalaan subalit nasa mahigit 1,000 na ang nakalibing dito. Dahil sa napaka­­ bilis na pagtaas ng bilang ng nasasawi, kakailanganin umano na mag­sakripisyo rin ang mga pribadong libingan na nara­rapat mag­laan ng “charity burial” para naman sa mga mahihirap na residente. (Ricky Tulipat)

Show comments