Charity burial sa mahihirap isinulong sa Quezon City
MANILA, Philippines - Isinulong ni Quezon City Council Majority Floor Leader Ariel Inton Jr. ang isang panukalang ordinansa na hihiling sa mga may-ari ng mga pribadong sementeryo na maglaan ng isang lugar para sa libreng pagpapalibing sa mga mahihirap na residente ng lungsod. Kasabay ng pakikiisa sa paggunita sa Araw ng Undas, isinulong ni Inton ang panukala na humihikayat sa lokal na pagtuunan ng pansin ang kakapusan ng mga espasyo sa mga pampublikong libingan sa lungsod para sa mga yumaong residente.
Isa sa pinakamalaking libingan sa lungsod ang Bagbag Public Cemetery na pag-aari at minamantina ng lokal na pamahalaan subalit nasa mahigit 1,000 na ang nakalibing dito. Dahil sa napaka bilis na pagtaas ng bilang ng nasasawi, kakailanganin umano na magsakripisyo rin ang mga pribadong libingan na nararapat maglaan ng “charity burial” para naman sa mga mahihirap na residente. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending