Maagang Christmas bonus sa Navotas
MANILA, Philippines - Ibinalita ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang madaliang pagri-release ng Christmas Bonus sa lahat ng empleyado ng Navotas City government. Kasama sa nasabing incentives ang 13th month pay at cash gift na P2,500 sa lahat ng empleyado.
Ang nasabing announcement ay sinabi ni Mayor sa City Disaster Coordinating Council emergency meeting kahapon ng umaga. Tiniyak naman ng City Treasurer na may nakalaang pondo para sa nasabing maagang bonus.
“We want to reward our city hall employees for their performance. We want also to avoid the Christmas rush and the impending increases in prices as the holiday season nears. This is an early gift to the local public servants,” sabi ni Mayor Toby.
Ang Navotas ay merong 1,685 na empleyado.
Sa kabila ng krisis sa ekonomiya, nangako si Tiangco na gagawin ang lahat para maging masaya ang Pasko ng kanyang mga empleyado at maging mga mamamayan nito.
- Latest
- Trending