^

Metro

Electrical appliancesbawal sa sementeryo

-

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Ma­nila Electric Company (Meralco) sa mga magtu­tungo sa mga semen­teryo ngayong Undas na huwag nang magdala ng mga appliances na ga­gamit ng kuryente upang maiwasan ang pagkaka­roon ng “brownouts”.

“Hinihikayat po natin ang mga tao na huwag nang magdala ng ka­nilang mga electrical appliances tulad ng telebisyon, radyo, electric fan, coffee maker, water heater at iba pa. Kung sabay-sabay na kokon­sumo ng kuryente ang mga ito maaari pong mag­karoon ng brownout sa mga sementeryo sa pagbigay ng ating mga equipments,” ayon kay Joe Zaldarriaga, external communications ma­nager ng Meralco.

Hiniling rin ni Zal­darriaga sa Philippine National Police at mga administrador ng mga sementeryo na palakasin ang kanilang seguridad upang matiyak na hindi sila malulusutan ng mga electric appliances. Hindi umano kinukunsinti ng Meralco ang iligal na pagkakabit o pagta-tap sa kanilang mga linya sa loob ng mga sementeryo.

Sa halip, maaaring magdala na lamang ang publiko ng mga gamit na pinatatakbo ng baterya kung hindi maiwasang magdala ng mga kasang­kapan. Kung may rek­lamo ang publiko nga­yong All Saints at All Souls Day, maaari uma­nong tuma­wag sa ka­nilang call center number 16211 o mag-text sa 0920-929-2824 o 0917-5592824. (Danilo Garcia)

ALL SAINTS

ALL SOULS DAY

DANILO GARCIA

ELECTRIC COMPANY

HINIHIKAYAT

JOE ZALDARRIAGA

MERALCO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with