^

Metro

SANGKOT DIN SA DACER-CORBITO CASE:1 pang ex police ipinapa extradite

-

MANILA, Philippines - Hiniling ng National Bureau of Inves­tigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na ipa-extradite ang isa pa sa akusado sa Dacer-Corbito double mur­ der case na si dating Chief Insp. Vicente “Boy” Arnado, na nasa Estados Unidos.

Ayon kay Regional Director lawyer Ricardo Diaz, hepe ng NBI Anti-Ter­rorism Division (ATD), si Arnado umano ayon sa ulat, ay nagtatago sa California at namataan din umano noong naka­lipas na mga taon sa Hawaii.

Umaasa ang NBI na masimulan na ng DOJ ang extradition laban kay Arnado dahil isa ito sa akusado na da­ting miyembro ng nabuwag na Presi­dential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF). Hindi rin umano mahi­hirapang hanapin si Arnado kung may extradition request na laban sa kanya dahil hihingin nila ang tulong ng counter­parts sa US.

Inaasahang dadalhin nila sa pag­dinig sa sala ni Judge Myra V. Garcia-Fernandez, ng Manila RTC Branch 18, sa Nobyembre 11 si dating Supt. Glenn Dumlao, para tumestigo, matapos itong alisin na sa pagiging akusado sa Dacer-Corbito case noong Setyembre lamang.

Si Dumlao ay naka-kustodiya pa rin sa NBI detention room simula pa nang siya ay na-extradite at umuwi sa bansa noong Hulyo 26, 2009.

Nabatid na si Mancao ay nailipat na sa DOJ-Witness Protection Program safehouse matapos siyang magpasok ng not guilty plea sa arraignment noong Hunyo 30. (Ludy Bermudo)

ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

ARNADO

CHIEF INSP

DACER-CORBITO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

GLENN DUMLAO

JUDGE MYRA V

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with