^

Metro

Tatahi, magtitinda ng PNP uniform hihigpitan

-

MANILA, Philippines - Dahil sa lumalalang kaso sa paggamit ng uni­porme ng mga pulis ng mga elementong krimi­nal, nagbabala ang hanay ng PNP sa mga hindi awtori­sadong nagbe­benta at nagtatahi nito na ipapa­sara sa sandaling mapa­tu­nayan ang ka­nilang paglabag.

Ito ang sinabi ni Chief Supt. Benjamin Belar­mino, hepe ng Directo­rate for Research and Deve­lopment ng PNP, ma­tapos na igiit ang pagpapatupad ng Republic Act 3819 article 179 hingil sa pag­ba­bawal sa sinu­man na mag-manufac­ture at mag­benta ng in­signia, uni­forms o mag­damit ng mga uni­porme ng pulis.

Sinabi ni Belarmino, sa ipinalabas na execu­tive order ni dating Pa­ngu­long Joseph Estrada na may petsang Oktubre 4, 2000, binigyan ng ka­pang­yarihan ang PNP na ipasara at kumpiskahin ang mga ganitong uri ng negosyo o produkto mula sa may-ari ng iligal at hindi lehitimong negosyo at bawian o kanselahin ang kanilang business permit ang mga may-aring luma­labag sa pinai­iral na batas. Ito anya ay para ma­iwasang magamit ang mga uniporme ng pulis sa mga iligal na aktibidad at krimen, tulad ng naganap na insidente ng pangho­holdap sa Rolex store sa Greenbelt 5 sa Makati City. Magkagayunman, aminado ang opisyal na hindi basta-basta maipa­pa­sara ang mga nasabing puwesto dahil sa may proseso pa uma­nong dapat pagdaanan bago ipatupad ito. Kaya naman, pinag-aaralan na ng PNP na limitahan na lamang sa dalawang klase ang uniporme ng PNP, tulad ng isusuot sa pagpasok sa opisina at isa ay para sa police operations. (Ricky Tulipat)

BENJAMIN BELAR

CHIEF SUPT

JOSEPH ESTRADA

MAKATI CITY

REPUBLIC ACT

RESEARCH AND DEVE

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with