Trader tinaniman ng bala sa mukha

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang namatay makaraang taniman ng bala ng isa sa tatlong armadong kalalakihan sa tapat mismo ng kanyang   hardware sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Butak, 50, may-ari ng NADS Construction Supply sa may Filinvest, Road 1, Brgy. Batasan Hills, Que­zon City. Isang tama ng bala sa mukha ang kumitil sa buhay nito.

Base sa   report, pasado alas-8 ng umaga nang maganap ang krimen matapos na buksan ng bik­tima ang kanyang hardware sa na­sabing lugar.

Sinasabing nakatayo si Butak sa tapat ng hardware nito nang hu­­minto sa harap nito ang tricycle sakay ang apat na kalalaki­hang armado ng baril.

Isa sa mga ito ang biglang bu­maba sa tricycle at pinaputukan sa mukha ang biktima. Nang dugu­ang bumulagta at matiyak na wala nang buhay si Butak, mabilis na bumalik ang suspek sa tricycle at kasama ang dalawang lookout sa pagtakas.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang ma­ tukoy ang motibo ng pama­maslang sa biktima.

Show comments