^

Metro

Inspeksyon sa MRT at LRT mas pinahigpit

-

MANILA, Philippines - Mas pinahigpit ngayon ng security agency ng Metro Rail Transit Authority (MRTA) at Light Rail Tran­sit Authority (LRTA) ang pag-iinspeksyon sa mga pasahero ngayong nalala­pit na ang Undas upang matiyak ang seguridad.

Sa pahayag ng LRTA, ipinag-utos ngayon ang mas masusing paghaha­lug­hog sa mga bag ng mga pasahero upang matiyak na hindi makakalusot ang mga ipinagbabawal nilang gamit tulad ng anumang uri ng matalim na bagay, alak at bahagi na lagpas sa 2ft. X 2 ft. na sukat.

Bukod dito, ipinagba­ba­wal na rin ang pagpapa­sok ng mga pintura, thinner na gagamitin sa pagpa­paganda ng mga puntod habang patuloy na pinag­babawalan na makapasok ang mga nasa ilalim na impluwensya ng alak.

Humingi naman ng dagdag na pulis sa PNP ang LRTA sa kanilang mga istasyon sa R. Papa, Abad Santos at Blumentritt na ina­asahan nila na dadag­sain ng mga pasahero dahil sa mga sementer­yong malalapit dito. Nagta­laga na rin ng medical at public assistance desk sa R. Papa station ang LRTA upang tumulong sa mga pasaherong nangangaila­ngan. Sinabi naman ni LRTA Administrator Mel Robles na ipinauubaya na nila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pamamahala sa daloy ng trapiko mula sa Monumento hanggang North Avenue na naging matindi ang pagsisikip dulot ng konstruksyon ng LRT Line 1 Extension dahil sa pagsakop sa malaking bahagi ng EDSA.

Iginiit ni Robles na ang MMDA umano ang nag-apruba

 ng traffic plan sa naturang bahagi ng EDSA kaya sila ang may respon­sibilidad ng naging mabi­gat na trapiko. Handa naman umano silang maki­pagtulungan sa anumang iaatas ng MMDA.

Ganito rin ang paghi­higpit na ipatutupad ng MRTA kung saan babanta­yan rin ang posibleng pa­na­namantala ng mga tero­rista sa naturang okasyon. Sa kabila nito, sinabi ni Lyza Blancaflor na hindi naman tumataas ang bi­lang ng pasahero sa MRT tuwing Undas ngunit ma­na­natili ang kanilang “heightened alert” upang hindi malusu­ tan. (Danilo Garcia)

ABAD SANTOS

ADMINISTRATOR MEL ROBLES

DANILO GARCIA

LIGHT RAIL TRAN

LYZA BLANCAFLOR

METRO RAIL TRANSIT AUTHORITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with