Saksak bayad sa pedicab driver

MANILA, Philippines - Sa halip na pera, pana­naksak ang ibinayad sa isang pedicab driver ng dalawa nitong pasahero   sa Caloocan City kahapon ng madaling- araw.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Hospital at nasa kritikal na kondisyon ang biktima na si Daniel Daclan, 48, ng Sta. Rita South, Tala ng lungsod na ito sanhi ng tinamong   dalawang saksak sa dibdib.

Kaagad namang tumakas ang dalawang hindi pa naki­kilalang mga suspek matapos isagawa ang pana­naksak.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insi­dente dakong alas-12:30 ng mada­ling-araw sa kahabaan ng Phase 5 Road ng na­banggit na lugar.

Pasahero ng biktima ang mga suspek at pagsapit ng nabanggit na lugar bumaba na ang mga ito at siningil naman ng biktima.

Subalit sa halip na pera, inundayan ng saksak ng mga suspek ang biktima at saka mabilis na umalis ang mga salarin. (Lordeth Bonilla)

Show comments