^

Metro

Donation box ng simbahan, tinira

-

MANILA, Philippines - Dahil umano sa nais na maipagamot ang sugatang paa, natukso ang isang lalaki na dukutin ang donation box ng simbahan, na nagdahilan pang nainip siya sa pagta­tapos ng misa upang humingi ng tulong sa pari, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si John Rey Adriano, 32, ng Ge­neral de Leon St., Valenzuela City.

Sa reklamong idinulog ng Parish co­ordinator ng San Agustin Church na si Linda Rivera, dakong ala-9 ng umaga nang maganap ang pagdistrungka ng donation box sa loob ng nasabing simbahan.

Sinabi ni Rivera na narinig niya ang mga kalansing ng pera na nagmula sa nakahi­gang Poong Hesukristo kaya nang inalam ay na­kitang nakabukas na ang donation box sa ibaba nito at ang sus­pek ang huling nakita niyang galing doon. Agad ipinagbigay-alam ni Rivera sa mga barangay tanod ang ginawa ng suspek kaya ito hinabol at inaresto.

Narekober sa suspek ang 20 pirasong US dollars; Hong Kong coins at 5 pirasong tig-P100 bills at screw driver na ipinambukas sa donation box.

Aminado ang suspek na ninakaw niya ang abuloy at idinahilan na pambili ng gamot sa namamagang paa. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AMINADO

HONG KONG

JOHN REY ADRIANO

LEON ST.

LINDA RIVERA

LUDY BERMUDO

POONG HESUKRISTO

RIVERA

SAN AGUSTIN CHURCH

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with