Nag-dive mula 26th floor ng condo: Bagets lumundag sa kamatayan

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang tumalon   buhat sa ika-26 na palapag ng isang condominium building sa Ortigas Center, Pasig City kahapon ng umaga.

Isinugod pa sa The Me­dical City ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang bik­timang si Gian Galindez, ng #215 Dela Paz Street, Pleasant Hills Subdivision, Mandaluyong City.

Sa ulat ng Criminal Investi­gation Section ng Eastern Police District-Annex­, naga­nap ang insi­dente dakong alas-6 ng umaga sa Renais­sance Tower sa Orti­gas Center, ng naturang lungsod.

Nabatid na naliligo sa swimming pool ang biktima kasama ang mga kaibi­gang sina Norman Alfred Lazaro at Kevin Jacon Escalona nang umahon ito at nagtungo sa gilid ng gusali. Nagulat na lamang umano ang mga kaibigan nito nang bigla itong tuma­lon at bumagsak sa ibaba.

Blangko naman ang mga awtoridad sa dahilan ng umano’y pagpapaka­matay ng biktima kung saan isinasa­ilalim pa sa masusing imbesti­gasyon ang mga kaibigan nito at iba pang saksi sa naturang insidente.

Nakatakda ring ipata­wag at hingan ng pahayag ang pamilya ng biktima, habang masusi rin ang im­bestigasyon upang matiyak na walang foul play na naganap sa insidente.

Show comments