Trader binoga

MANILA, Philippines - Butas ang ulo ng isang 39 anyos na negosyante makaraang taniman ng dalawang bala sa ulo ng limang menor de edad na kalalakihan sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Nakilala ang biktimang si Edgar Palamos, 39, may-asawa, may-ari ng isang junk shop ng 1 San Miguel Compound, Ba­rangay Tandang Sora, Quezon City.

Nadakip naman ang da­ lawa sa mga suspek na iti­nago sa mga alyas na John, 17; at Jhun, 16, kap­wa re­si­dente ng Tandang Sora.

Nauna rito, nakikipag-inuman si Palamos sa ilan niyang kaibigan sa Banlat Road, San Miguel Compound, Tandang Sora nang ma­padaan ang mga suspek.

Sinita at sinabihan ni Palamos ang mga suspek na huwag magpagala-gala sa kalye pero pinagbabato ng mga kabataan ang biktima at mga kasama nito. 

Nagtago ang mga nag-iinuman pero namataan at binaril ng isa sa mga sus­pek si Palamos. (Ricky Tulipat)

Show comments