MANILA, Philippines - Nagkaloob si Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. ng scholarship assistance na umaabot sa P42.5 milyon sa may 5,000 scholars na naka-enroll sa Quezon City Polytechnic University Binigyang diin ni Belmonte ang kahalagahan ng naturang programa ng lunsod upang bigyan ng oportunidad ang mga kabataang nais makatapos ng pag-aaral at makatulong na mapaunlad ang komunidad.
Anya, kasama din sa QCPU scholars ang mga mag-aaral na kumukuha ng vocational at technical education.
Sa kasalukuyan, may kabuuang 10,885 scholars ang nagbebenepisyu sa ilalim ng Scholarship and Youth Development Program ng pamahalaang lokal na karamihan ay naka-enroll sa QCPU. Lahat ng city scholars ay may tinatanggap na P1,500 tuwing semester, habang may dagdag na incentive na P2,500 sa kada semester ang may mataas na grado. (Angie dela Cruz)