MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang pangungulila sa mga anak, isang 25-anyos na ina ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kaniyang bahay, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pang buhay sa Perpetual Succor Hospital si Ronaliza Ingalia, ng S.H. Loyola St., Sampaloc, Maynila
Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-9:20 ng umaga nang madiskubre ni Michael De Vera, helper sa karinderya, na nakabigti at wala ng buhay ang biktima kaya agad ipinaalam sa live-in partner nito ang insidente.
Agad namang kinalagan ni Himaya Reyes, 27, kinakasamang tomboy ng biktima, ang nakabitin pang biktima at isinugod sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay.
Una nang nagtangka ang biktimang magpakamatay dahil sa problema nito kung paano makukuha ang 7 at 9- anyos na mga anak sa kanyang dating live-in partner na ama ng mga anak. (Ludy Bermudo)