^

Metro

Nangulila sa anak, ina nagbigti

-

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang pangu­ngulila sa mga anak, isang 25-anyos na ina ang nag­pa­­ka­matay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kani­yang bahay, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa Perpetual Succor Hospital si Ronaliza Ingalia, ng S.H. Loyola St., Sam­pa­loc, Maynila

Sa ulat ni Det. Richard Lum­bad ng Manila Police Dis­­trict (MPD)-Homicide Section, dakong alas-9:20 ng umaga nang madiskubre ni Michael De Vera, helper sa ka­rinderya, na nakabigti at wala ng buhay ang biktima kaya agad ipinaalam sa live-in partner nito ang insidente.

Agad namang kinalagan ni Himaya Reyes, 27, kinaka­samang tomboy ng biktima, ang nakabitin pang biktima at isinugod sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay.

Una nang nagtangka ang biktimang magpakamatay dahil sa problema nito kung pa­ano makukuha ang 7 at 9- an­yos na mga anak sa kan­yang dating live-in partner na ama ng mga anak. (Ludy Bermudo)

HIMAYA REYES

HOMICIDE SECTION

LOYOLA ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

MICHAEL DE VERA

PERPETUAL SUCCOR HOSPITAL

RICHARD LUM

RONALIZA INGALIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with